Vhong Navarro beaten up because of alleged Rape IMAGE: google
Vhong Navarro beaten up because of alleged Rape attempt? That is the wild rumor going on. Tonight on TVP, the story aired is that Vhong Navarro (real name: Ferdinand Navarro)

In the report of John Consulta to GMA news "24 Oras Weekend,".  Ferdinand Navarro (Vhong Navarro Real Name) signed a blotter under his name in Southern Police District sa Bonifacio Global City.

The blotter detailed what happened in January 22, Wednesday 2014. Below is the statement given in the GMA news report:
Nakasaad sa blotter na dakong 10:00 p.m. nang bumisita si Vhong sa condominium unit ng isang 22-anyos na babaeng estudyante, na itinago ang pangalan.

Nang makapasok na umano ang aktor, nagulat daw ang babae nang biglang hawakan ni Vhong ang kanyang kamay at hinila ang kanyang buhok at pilit na pinaupo.

Ngunit nanlaban daw ang babae at tumakbo sa kwarto nang maramdaman ang motibo umano ng aktor. Gayunman, nagtungo din umano si Vhong sa kuwarto at pinilit siyang inihiga sa kama at tinangkang ibaba ang kanyang shorts.

Ayon pa sa ulat, nagmakaawa umano ang babae na itigil ni Vhong ang pag-atake pero di raw ito tumigil at pumaibabaw daw sa dalaga.

Sa sitwasyong nabanggit, dumating umano sa condo unit ang dalawang kaibigan ng babae at sumaklolo sa biktima at isinagawa ang "citizen's arrest."

Dinala rin daw ng mga ito si Vhong sa himpilan ng pulisya para ipa-blotter ang pangyayari.
Pero nakasaad sa dulo ng blotter na hindi na itutuloy ng biktima ang pagsasampa ng kaso laban sa aktor.

Sinabi rin sa ulat na isang dokumento na nakuha mula sa security agency na nagpapatotoo na nagpunta ni Vhong sa unit nang nabanggit na araw, pati na ang pagdating ng kaibigan ng babae.

Patuloy daw silang nagsasagawa ng kanilang sariling imbestigasyon.

In a statement aired on TV Patrol, Chito Rono said:

“Si Vhong Navarro ay naimbitihan sa isang condominium unit sa Fort ng isang kaibigang babae. At sa di pa malamang kadahilanan, siya ay piniringan, pinagtulungang bugbugin, ginapos, tinakot, at hinihingan ng pera ng isang grupo ng kalalakihan noong January 22, Miyerkules.

“Si Vhong ay kasalukuyang nagpapagaling at mawawala ng pansamantala sa ‘It’s Showtime’ at iba pa niyang proyekto.”

The real reasons are bound to come soon and we can expect a verbal and legal tug of war between navarro's camp and the attackers in the following days.